RSS

Orolfo, Ronalyn D.


Ang Kapangyarihan Ng Edukasyon


Ano nga ba ang edukasyon para sa ating mga kabataan? Ang edukasyon ay nagbibigay ng kabutihan sa ating mga kabataan. Ito ang naghahandog ng karangalan sa ating buhay. Ito ay ihalintulad natin sa isang bulaklak na kapag ito ay nalalanta ito ay mabubuhay muli. Gayon din ang edukasyon sa ating buong katauhan. Ang edukasyon ay ating kayamanan para likhain ang ating kaisipan. Habang ang edukasyon ay hubugin upang ito ay bumunga ng magandang kinabukasan.


Ang edukasyon ito ay nagpupunla ng kabutihan at linangin ang ating kaisipan. Ang edukasyon ay ating pagsikapan na kailangan nating pagbutihin na marating natin ang tuktok ng tagumpay na ito ay matahak nating mga kabataan na may kasamang pananalig sa ating may kapal na ito ay hindi dapat kalimutan lalo na sa ating mga kabataan ng maiwasan natin ang masasama. Dapat ang edukasyon ay di-dapat balewalain ang mga bagay na dapat labanan katulad ng isang bato na kahit anong dumaan ay naroroon pa rin. Ang ganap na edukasyon may dangal na katangian sa buhay nating kabataan ito ay naghahandog ng kaligayahan para sa ating kinabukasan. Sa ating mga kapus-palad hindi hadlang ang kahirapan sa ating pag-aaral. Sapagkat ang edukasyon ang magpapayaman sa ating kaisipan. Ang edukasyon ay walang katapusang pagbibigay ng magandang buhay. Sapagkat ang ating dunong ito ay nagpapatnubay ng matapat at ng marating natin ang ating tagumpay. Kaya nga may kasabihan na “Ang pag-aaral huwag ipagpalit sa sandaling sarap.” Kaya huwag nating sayangin at sirain ang ating buhay upang di’magsisi sa bandang huli. Nang sa ganon makamit natin ang ating hangarin sa buhay.


Sapagkat ang edukasyon ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa ating buhay. Ang edukasyon ito ay gabay sa ating mga pangarap. Ang edukasyon ay lagi nating kasama sa ating buhay. Ang edukasyon ay ating pagyamanin at pagbutihin sa ating isipan at huwag nating pabayaan dahil ito ang magbibigay sa atin ng kayamanan. Ang edukasyon ang pinakamahalaga sa ating mga kabataan kaya’t huwag natin itong pabayaan dahil para rin ito sa ating magandang kinabukasan.

Dela Rosa, Danilyn D

PAG-IBIG: SADYANG MAHIWAGA SA LAHAT NG NILALANG SA LUPA


Importante ba talaga ang sasabihin ng iba? Kung ang kapalit naman nitoy pagsasakripisyo ninyong dalawa. Pag-ibig na nasimulan dapat bang agad na wakasan dahil lang ba  sa walang kwentang bulung-bulungan at mga taong humadlang? Hindi bat dapat itong ipaglaban kung sadya kayong nagmamahal? Mali rin bang ituring na ang pusoy sundin kaysa utak ang pairalin?  



Ito ang mga tanong na umuukilkil sa aking isipan, ngunit base sa napapansin ko ngayon ito siguroy nasagot.



Hindi naman talaga importante ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay kung ano ang sinisigaw ng puso ng bawat isa. Hindi na kailangang umabot pa sa sitwasyong may magsasakripisyo sa inyong dalawa dahil kung mangyayari ito lalo lamang kayong masasaktan sa kabilang banda, hindi dapat hayaang mawakasan ang pag-ibig na nasimulan kung ang magiging dahilan lamang ay ang mga bulung-bulungan ng ibang tao na pawang kasinungalingan lamang at yung mga taong humahalang ay dapat na huwag pag-ukulan ng pansin, dapat nyo itong ipaglaban. Ngunit paano kaya kung ang mga magulang ang humadlang? Karaniwan na kasi ngayon na ang dahilan ng mga magulang ay wala pa sa tamang edad ang pakikipagtipan, o kaya naman ay makakasira sa pag-aaral o makakahadlang sa magiging kinabukasan ng kanilang anak na siya namang tama at aking sinasang-ayunan. Paano mo nga naman ipaglalaban ang isang pag-ibig kung ikaw mismo sa sarili mo ay patuloy na umaasa sa telling ng mga magulang mo? Pero kung dumating na ang tamang panache dahil natupad mo na ang kailangan nila sa iyo at iyon ay nakatapos ng pag-aaral ito na ang hinihintay mong sandali upang ipaglaban ang pag-ibig mo sa kanya. Isa pa nose tamang edad ka na pear magdesisyon sa sarili mo.



 



Kung ang pagbabasehan naman ay kung ano sa dalawa ang dapat sundin sa pag-ibig: ang puso ba na siyang sinisigaw o ang utak na minsan ng umaayaw. Para sa akin, ang kasagutan ay DEPENDE. Bakit? Dahil kung alam mo mismo sa sarili mo na ang taong iyon ay karapat-dapat ibigin dapat mong sundin ang idinidikta ng puso mo. Ngunit kung ang taong iyon ay hindi karapat-dapat pag-ukulan ng pagmamahal mo dito sa sitwasyong ito tamang pairalin ang idinidikta ng utak mo. Bakit mo nga naman pag-aaksayahan ng pag-ibig ang taong katulad nya? Sayang lang di ba? Bakit hindi maghanap ng taong makahihigit sa kanya siguradong ang pag-ibig na iniuukol sa kanya ay hindi basta mabalewala sa halip ay yumabung bigla.

Perolina Krysthel Ann G.

PILIPINAS MAY PAG-ASA PA NGA BA?

Ito’y may kasamang hiya, pag-aalinlangan at pagtataka na tinanggap nyo ‘kong tagapag-salita sa inyong harapan.
Napakaraming problemang kinakaharap ang ating bansa. Ang mga problemang ito’y hindi pa rin naman natatagalan ang pinagmulan; ito’y sanga mula sa maraming taon ng pag-bagsak at walang kamalasakit ng mga tao; Merong pag-asa pero kaunting taon na lang para malutas itong problema, lalo na kung ang ating bansa’y magigiging mahina. Mas ok pang ipagdalamhati natin ito kesa ito ang maging dahilan ng pagkawala nang dignidad nating mga Pilipino.
Tayong lahat ay may kamalayan sa lahat ng sakripisyong ginawa natin at ako’y lubos na naaawa sa mga taong nagpapakahirap para manumbalik, mapabuti at muling mabumubuo ng mga samahan para sa pagpapabago ukol sa pagbabayad ng malaking halaga.
Hindi sa isang sandali lamang natin makakayang magpalimos at panuurin na lang ang Pilipinas na mabulok at mamatay.
Sa patutulungan nating mga Pilipino, tayo’y umasang magigiging matagumpay, mabuo at muling dadakalain ang Pilipinas.
Sa misyong ito, ihanda natin ang ating puso at sarili. Mga kababayan, wala na kong masasabi pa sa inyong matapat na pakikisama.
Mga kaibigan, sinabi ninyong ako’y manguna, tumayo, magsalita at maglinggod,at ito’y ginawa ko. At muli sasabihin kong tumayo, magsalita at maglinggod kayo kasama ko para sa kapakanan n gating bayan at para sa kapakanan ng bawat tao.
Mga kababayan, para sa inyong pagtitiwala, paniniwala, dasal at kagustuhan, nagmula sa aking puso, SALAMAT!

Espiritu Kristel Shane

INANG BAYAN
Kailan ba uunlad an gating bayan? Isang katanungan na bumabagabag sa aking isipan, isang katanungan na kinakailangan ng kasagutan.
Nasan ang ating pag-asa? Kung ang mga nanunungkulan sa bansa ang tumatamasa na dapat sana’y ipamudmod sa masa na unti-untig nawawalan ng pag-asa, silang mga sakim sa kapangyarihan na iniisip lamang ang katungkulan at pangalan na silang nakikinabang sa kaban ng bayan na dapat sana’y mhihirap ang nakikinabang.
Itigil na ang walang kabuluhang digmaan, pagkat kapwa Pilipino lamang ang nasusugatan at nasasaktan hindi dugo ang sagot sa kapayapaan sa ating bayan kundi pagkakaisa at pagmamahalan.
Nasa kabataan pa ba ang pag-asa ang bayan? Na syang hinirang ng ating bayaning namaalam at ipinaglban ang ating kinabukasan lalo’t higit an gating inang-bayan hangga’t may tinig ang ating mamamayan, ipagpapatuloy ko ang pakikipaglaban sa karapatan at kapayapaan ng ating inang-bayan na syang kumupkop sa atin at nagging tahanan.

Roncesvalles, Rhea G.

Walang katiyakan ang ating hakbang tama diba? Ayaw nating tumingin sa ating mga kahapon. Wala tayong tinitingnan kundi kung ano ang ngayon. Ang ating bukas ay madilim. Sapagkat ang ating ngayon ay madilim. Tumatahak tayo sa isang landas na walang kasiguraduhan at kadiliman. Sapagkat ayaw nating tumahak sa landas ng liwanag. Ang liwanag ng ating katauhan. Naglalakad na di natin alam kung saan ang tungo.


Wala tayo sa ating mga sarili. Paano an gating mga kinabukasan? Nakatatawa tayo. At bakagagalit sa ating di pagbibigay pansin sa ating dakilang kahapon. Walang kadakilaan. Walang kaliwanagan. Bakit hindi tayo lumingon sa ating mga kahapon at mag isip para sa ating kinabukasan. Isipin natin ang mga araw na darating sa ating buhay na maaari tayomg magsisi sa isang kahapon.
Ang ngayon nati’y malabong larawan ng ating tatak. Ng nating pangalan. Pilipino tayo sa turing ngunit di tayo Pilipino sa ating tatak ngayon. Lupa at langit ang agwat ng ating kalagayan ngayon. Ang ngayon nati’y isang maputlang anino ng ating kahapon.
Pilipino, ikaw ay Pilipino, tayo ay Pilipino kahapon, ngayon, at bukas. Subalit Bakit walang katiyakan ang hakbang ng bawat isa sa atin? Kaya mag ingat tayo sa ating mga hakbang. Huwag tayong magpakabulag sa pagtahak sa landas ng makabagong panahon.
Pilipino, tayo ay dakilang Pilipino. Dumakila tayong muli. Isipin nating tayo ay Pilipino. Kahapon, Ngayon, at Bukas.
Pilipino, tayo ay Pilipino sa kulay, sa anyo, at sa dugo. Pilipino sa habang panaghon.

Atillano, Kathryn Rose C.



Ang kabataan ang Pag-asa ng ating bayan Kabataan ang siyang maglilingkod sa bayang sinilangan. 
Kabataan na gagawin ang lahat matupad lang ang hinahangad na maahon sa kahirapan ang ating bayan na lubog sa kahirapan.

Katalinuhan, kasipagan ang puhunan ng  kabataan para sa ating bayan. Bayan na inaasam ay makamit ang kalayaan hindi na kailanman naibalik.

Kabataan ang magiging mabuting ehemplo ng bawat tao sa lipunan. Kabataan  ang mag-papaunlad sa darating na henerasyon. Mga kabataan ang tanging pag-asa ng ating bayan.

Ciriaco, Jemarin S.



  Sa bawat pagsikat ng araw ay nagkakaroon tayo ng isang umagang kay ganda,kasabay nito ang pagbibigay sa atin ng bagong buhay.Ngunit bakit nga ba hindi natin  makita?Bakit sa tuwing gigising tayo sa umaga ang pagpapasalamat sa kanya ay talaga bang nalilimot na o talaga nga bang ang pagbibigay buhay niya sa atin ay walang halaga?
           Sa kanya nagmula ang lahat,ang araw na nagbibigay liwanag,ang hangin na kinakailangan ay atin g malanghap upang makahinga at ang mga pagkain para sa pangangailangan nang atin katawan ay ibigay niya.Sa bawat umaga na gumigising ka nasabi mo na bang “Salamat Panginoon sa bago na naman buhay na ipinagkaloob mo?Sa bawat hangin na na nalalanghap mo sinasabi mo bang “Purihin ka panginoon” at sa araw araw na ikaw ay  kumakain nasabi mo na bang kahit minsan na sabihing “Purihin ka Panginoon at di mo kami nakaklimutan biyayaan?Ang lahat ban g iyan ay nasasabi mo sa kanya o binabalewala mo lang  mga ginagawa niya?Kailan ba natin mapapansin ang kabutihan niya?
         Siya an gating pag-asa sa oaras ng kagipitan at kahinaan.Kung lalapit ka sa kanya kaluwagan at kalakasan ay ipagkakaloob niya ngunit  bakit hanggang ngayon ay hindi parin natin nakikita ang ginagawa niya?
         Ang kabutihan niya ay walang katumbas  at ang pagmamahal niya ay walang hanggan kaya’t huwag sana natin sayangin.Imulat an gating mga mata upang ating makita ang kabutihan at kabanalan niya.

Magdato, Christine Joy A.



Magandang umaga po sa inyong lahat,kinagagalak ko po ang inyong pagkakaanyaya inyo sa akin dito sa inyong harapan upang magtalumpati.
Bakit kailangan mo pang mawalan bago mo malaman ang kanyang kahalagahan.
Ako naulila sa aking ama nung ako ay limang taung gulang pa lamang, Itinataguyod kaming apat na magkakapatid ng aking mhal na ina,sinisikap na aking ina na palakihin kami ng maayos,magalang at may takot sa diyos,tumayong amat ina na siya sa aming magkakapatid.Sa tuwing mamamasyal kami ng aking ina nakakakita ako ng masaya at buo ang pamilya ako ay nalulungkot at sumasagi sa aking isiipan ang aking ama na sana andito siya sa tuwing kami ay haharap sa hapag kainan,na sana andito siya pag kami ay lalabas,mamamasyal,na sana andito siya sa tuwing kami ay magsisimba at hihingi ng pasasalamat sa diyos.Sa tuwing ako ay nang iisa sumasagi sa aking isipan ang aking ama na sana andito sya kasama ko at mapaglalabasan ng sama ng loob sa tuwing mag aaway kami nag aking ina,nung bata pa kasi ako siya na lagi ng aking kasama.

Magracia, Renette


Bakit nga ba maraming tao ang nahihirapang magpakatao? Alam nating lahat na ang bawat isa sa atin ay may kany-kanyang pagkatao. At iba’t- iba ang mga ito. Pero paano nga ba? Naalala ko ng minsang kausap ko ang mahal kong lola,tuwing magkakataon na magkakakwentuhan kami ay hindi na mawawala sa usapan yung mga bagay na tungkol sa pagkatao. Ewan ko na nga ba kung bakit,dahil siguro nga ay matanda na sya at dahil alam kong sa ganoong punto ng kanyang buhay,palagi na nyang nababanggit ang tungkol sa kamatayan. Naiinis ako kapag dumadating na ang usapan namin sa ganong paksa. Dahil takot akong mawalan ng mahal sa buhay. Palagi ko syang naririnig na humihingi ng tawad sa Diyos sa lahat ng nagawa nyang kamalian. Isa sa nga natatandaan kong sinabi nya ay ganito, “Bakit nga ba madaling maging tao,ngunit ang sadyang mahirap ay ang magpakatao”.

Nang narinig ko yun,nagtaka ako kung bakit ganun ang mga sinabi nya. At nalaman ko kung bakit ng minsang naikwento nya din sa akin ang tungkol sa kanyang kabataan,aminado sya na may mga bagay din syang di magandang nagawa. At nasabi nya yun dahil mas marami daw kabataan ngayon ang mas malala pa pala sa mga nangyari ng kabataan nya. At alam nyo ba kung sino ang mga kabataang binanaggit nya? Kami. Kaming magpipinsan, kaming mga apo nya. Kaya nga palagi nya kaming pinagsasabihan na hangga’t maaari daw ay wag kami gagawa ng nga bagay na alam naming hindi makatao. At doon ko napagnilay-nilayan na tama nga ang lahat ng ito.

Ngayon, nagsisimula akong umiwas sa mga bagay na alam kong pagsisisihan ko din sa huli, at inaamin ko na hindi ito madali. Dahil nga nasa punto ako ngayon ng aking kabataan. Kayo? Naisip nyo ba ang mga bagay na ito sa ngayon? Aminin natin na parang hindi di ba? Simulan natin ngayon. Umiwas tayo sa alam nating hindi tama hangga’t kaya natin. Simulan natin ang pagbabago. Subukan natin ang unti-unting pagdebelop ng ating pagkatao. Para din naman sa atin ang lahat ng ito. Palagi lang nating tandaan na kasama natin ang Diyos para gabayan tayo. 
“Kabataan pag-asa ng bayan” ang katagang inwan sa atin ni Dr. Jose Rizal Sa panahon ba natin ito’y totoo pa ba? Ako, ikaw, kayo, sila, tayong mga kabataan Saan ihahatid ang ating inang bayan? Sa paanan ba ng altar o sa bangil ng kabiguan? Gumising tayong mga kabataan, Imulat ang ating mga mata Dapat tayong manghilakbot dapat tayong matakot. Sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran Kadalasan anu nga ba ating nakikita sa mga bilangguan noon? Di nga ba’y mga pusakal na criminal Ngunit ngayon , anu ang ating nakikita ? Di ba’y mga kabataan na kung saan sila’y napupuno na sa isang bilangguan Ako, ikaw, kayo, sila tayong mga kabataan Masasabi pa ba natin na tayo’y pag-asa ng ating inang bayan? Sa palagay mo anu ba ang dapat mong gawin Upang mabago ang mga nagaganap sa ating bayan Tayo ng bumangon sa ating kinalalagyan At baguhin ang mga di kaaya-ayang kapaligiran Kahit dumating ang panahon na mawala ka sa mundo May mga kabataan na ang magkakaroon ng Direksyon ang buhay nila Lahat tayong mga kabaatan,sabay-sabay nating isigaw na “Tayo’y pag-asa ng ating Inang bayan”

Inoceno, Eunice Ann G.





Isang mapagpalang pagbati ang hatid ko sa kapwa ko mag-aaral. Bawat mga tao ay may nais marating, na makuha ang nais niyang maabot. Subalit ang lahat ng yon ay para bang may hadlang na pumipigil sa gusto nating marating.
Kaya tayong mga mag-aaral ay dapat gawin ang dapat nating gawin habang tayo ay mga bata pa. Dahil kapag dumating ang mga araw na hindi natin nagawa ang mga gusto nating gawin sa ating buhay ay magsisisi tayo sa huli.
Kaya kahit mahirap ang mga pinagdaraanan natin sa ating buhay ay matuto tayong lumaban at sikapin na maabot ang ating mga pangarap sa buhay. Dahil yan ang makakatulong sa atin sa ating pagtanda. Dahil ang pagsisikap at pagsasakripisyo sa pag-aaral ay malaki ang ambag sa ating buhay.
Kaya nga kahit nahihirapan na an ating mga magulang ay nagpipilit pa rin silang pag-aralin ang kanilang mga anak. Dahil yun lang ang maipapamana nila sa ating mga anak. Kaya dapat tayong mga anak ay sikapin natin makatapos ng pag-aaral. Dahil sila ay nagpapakahirap sa pagtatrabaho kaya dapat ayusin naman natin ang pag-aaral natin. At suklian natin ang mga ginagawa ng mga magulang natin na paghihirap para sa atin.

Deopante, Jazel




Sabi nila ang kabataan ay pag-asa ng bayan.Ngunit sa panahon ngayon,masasabi pa ba nating pag-asa tayo ng bayan? Kung tayong mga kabataan ang mismong sumisira ng ating kinabukasan.

Ngayon mayroon akong mga nakikilalang mga kabataang tulad ko, na may ibat-ibang bisyo. Tulad ng pag-iinom,paninigarilyo, drugs at kung anu-ano pa.

Noong high school pa ako mayroon ng nabubuntis ng maaga. Dahil iyon sa kapabayaan naming mga naming mga kabataan. At ngayong kolehiyo na ako yung ibang mga kasabayan ko nung ako ay high school ay mga nagsipagasawa na kaagad.

May mga kabataang lalaki na mahilig din sa mga basag ulo.Kaya mayroon na ring mga menorde edad na mayroon ng kaso. Mayroon ding sumasali sa mga fraternity, sorority. Kaya naman may mga riot na nagaganap kung may dalawang panig ang walang pagkakaintindihan.

Lahat ng mga nabanggit ko sa aking talumpati ay isa lamang sa mga masasabi kong kabataan ngayon.

Ubaldo, Cedrine Anne C.

                                       
                  

                     Alam ko nangingiti kayo sapagkat narito ako sa inyong harapan upang magsalita, Bakit? isang karaniwan na estudyante tatalakay ng ukol sa kahirapan, Ano ang ang magagawa ko,may magbabago ba? Mga mahal kong kaibigan pilit kong palakihin ang aking tinig upang may maibahagi at may maikintal na diwa,na kaisipan,na hamon,na isang paalala sa inyo na naririto ngayon.
                    Tunay nga na tayo ay isinilang sa isang mahirap na bansa. Kung ating ihahanay sa mauunlad na bansa tulad ng Amerika at bansang hapon. Subalit di naman tayo nahuhuli sa larangan ng Agham at Teknolohiya. "Teknolohiya na syang nagpapatakbo sa ilang mauunlad na bansa sa ngayon. Nagtatamasa rin naman tayo ng pantay kalayaan ng tulad sa ibang bansa. Ang ating pag-ibig sa lupang tinubuan ay sintibay at sinlaki na rin ng sa ibang bansa. Dukha man tayong ituring,mga indyo, mga bobo, mga walang alam. Tayo ay marangal, tayo ay may paniniwala, tayo ay may paninindigan, tayo ay may pananagutan. Ngunit sapat na ba ang mga katangiang iyon? Bakit ganito parin ang takbo ng ating pamumuhay? Bakit mahirap parin ang ating kalagayan sa lipunan?
                    Isa sa pinaka mabigat na suliranin ng ating bansa ay ang malawakang paghihirap ng ating mga kababayan. Dahil sa kahirapan marami ang natutulak sa krimen, sa prostitusyon, at sa pangingibang bayan bilang ano? bilang isang "DH" isang hinahamak na domestic helper sa dayuhang bayan. Dahil sa kahirapan marami ang mga batang dapat ay nasa paaralan ay matatagpuan sa mga lansangan, nakalulunos ang anyo namamalimos o hindi kaya ay nagnanakaw. Matatagpuan din sila sa lugar ng konstruksyon na sa halip na nasa paaralan at ang hawak ay libro,ay hindi pala ang kanilang hawak at nagpapala ng semento o di kaya'y martilyo at nagkakarpentero. Naroon din sila sa mga pabrika na kung saan ang kanilang ginagawa ay napakabigat para sa kanilang edad.
                   Kailan lamang ako'y nagawi sa bahay ng aking tiyuhin, anopa't nasumpungan ko itong tanungin. "Tsong bakit po nyo hindi pipagaral ang aking mga pinsan? sayang po ang panahon! Ang tanging tugon nito sa akin ay"wala akong trabaho,hindi ko kayang suportahan ang kanilang pagaaral "mahirap lang kami! sabay nakatingin sa kawalan. Nanlumo at nalungkot ako sa tugon niyang iyon dahil hindi ko manlamang nakitaan na konting pag-asa ang kaniyang tugon. Naibulong ko na lamang sa aking sarili "ah hindi ako paparis sa kanya, Mahirap na ngang ituring, wala ng hanapbuhay ay wala pang ginagawang hakbang o paraan manlamang upang maipadala sa paaralan ang kaiyang mga anak! Hindi manlang kakitaan ng pag-asa, ng sipag,ng tiyaga.
                   Sabi nga "walang gawaing mahirap sa taong matiyaga" ibig sabihin anumang hirap ng iyong gawain o kalagayan mo sa buhay,magsikap,magsipag at magtiyaga ka sa iyong buhay,sa trabaho ng kahit papaano'y matawid mo sa gutom ang iyong pamilya at mapag-aral mo ang iyong mga anak. Yun lamang ay sapat na,sapat na.
                    Huwag nating iasa sa ibang tao ang ating pagasenso. Saan natin dapat iasa sa kapalaran, bahala na! Kailangan nating gumawa ng paraan, kailangan natibng manindigan sa ating sarili na walang tutulong sa iyo kundi ikaw rin, dahil ikaw,ako,tayong lahat ay may pananagutan sa pagpapaunlad ng ating bayan.
                    Mga mahal kong kamagaral bilang estudyante, ilang panahon na lamang tayo ay magiging ganap na matgumpay. Sana sa mga pagkakataong iyon ay maitanong natin sa ating sarili, "Sa kalagayan ko ngayon, nakatulong ba ako o nakabigat at nakadagdag pa ba ako sa pasaning kahirapan ng aking bansa?
                    Magpakitang gilas tayong lahat, ipakita natin na tayo ay hindi magiging pabigat, kundi tayo ang magtataas ng kalidad ng kabuhayan ng ating Bayan! Kay ba natin? Gawin natin!!!!!
Sa umagang madilim si inay na nasa kusina at nagluluto. Habang si itay na nasa bukid upang magsaka.gising na anak ang tawag sa akin ni ina,mahuhuli ka na sa iskwela. Iyon ang lagi kung nagigisnan sa umagang bago palang sisikat ng araw,nakahain na ang almusal,nahagod na ang uniporme at naka handa na ang mainit na tubig para sa aking paliligo. Ngunit saan ako patungo kung sa araw araw ay laging ganun ang takbo ng aking buhay? Saan nga ba ?
Noong araw dumating ang panahon na nagkaisip ako, nakatapos sa elementary na nakaalalay sa akin si inay at itay.Pero nang magsimula akong mag aral sa sekondarya natuto akong gumising ng maaga para mag luto at maghanda ng aking kailangan para sa pagpasok sa eskwela.Bago ako umalis ng bahay paalala parin ng aking magulang ang aking naririnig.”Umuwi ka ng maaga at huwag kang magpapagabi”. Masayang balikan ang nakaraan.Hindi ba? Kaya ngaun sa araw ng ating pagtatapos sa kolehiyo marapat na pasalamatan natin ang ating mga magulang,suklian ang mga sakripisyong hirap nila.Inay Itay maraming salamat po sa lahat lahat. Ngayon hayaan nyong sa inyo ko isabit ang medalyang aking nakamit. At hayaan nyong ako naman ang magbigay karangalan sa lahat ng inyong paghihirap. Mga kapwa ko kamag aral,pasalamatan nyo rin ang inyong mga magulang. At sa ating mga guro marami rin pong salamat tatanawin naming malaking utang na loob ang pagiging pangalawa naming magulang.marami po’ng salamat sa pag gabay nyo sa amin. Hindi po naming kayo makakalimutan at sa aming mga magulang ngayon na ang simula upang suklian ng magandang mga bagay ang inyong hirap sa buhay upang kami ay mapagtapos.Muli marami pong salamat ditto ko na po tinatapos ang maikli kung talumpati.

Valenzuela, Abegail A.


Tunay na pagmamahal,paano nga ba mapapatunayan?paano mapaninindigan?Ano nga ba ang tunay na batayan?Maraming kabataan ngayon ang nakikikasakay sa daloy ng panahon.Nakikiuso,nakikiayon at nakikisangkot , hindi alintana kung paano makakalabas sa pinasukang gusot.
Kabataan ang susunod na makikipagsapalaran sa hamon ng buhay ngunit ngayong panahong ito tunay na isang pakikipagdigma na ang nararanasan,digmaan ng kapusukan ng makamundong nasa ng laman ng mga kabataan.Mahirap masupil,mahirap pigilin ngunit kailangang pagtagumpayan dahil habang buhay mo itong pagsisihan.
Sa naging resulta ng ulat tungkol sa kabuuang populasyon ng Pilipinas noong 2007, 88.57 milyon na ang kabuuang bilang ng mga mamamayan sa ating bansa. Kabilang na dito ang mga batang isinisilang ng mga kabataang napasailalim sa maling pananaw ng salitang pagmamahal.Masaklap pa dito,kung hindi napabilang dito ang ilang mga bata ,saan kaya sila napunta? Ang katotohanan ay hindi na maipagkakaila,na sila ay naging biktima ng aborsyon,ang pagkitil ng walang kamalay malay na buhay.Ganyan ba ang tunay na kahulugan ng pagmamahal? Ang pagbaliwala sa magiging resulta ng kapusukan,ang pagsisisi sa bandang huli at ang pag-iisang tabi ng pinaghirapang pangarap ng mga magulang para sa magandang kinbukasan at hinaharap.
Mga kapwa ko kabataan ,ating harapin ang katotohanan,na ang pagmamahal ay walang hinininging kapalit.Kapusukan ay ating talikdan at huwag nating pagbalingan.Oo, tayo ay “tao lamang”nagkakamali at sa bandang huli ay may nagsisisi.Hahayaan na lang ba natin ang ganitong katwiran? Maganda ang buhay ng pagiging isang kabataan.Sanay huwag natin itong dungisan sa pamamagitan ng KAPUSUKAN.Laging tandaan na ang PAG-IBIG ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri o nagmamataas,hindi magaspang ang pag-uugali ,HINDI MAKASARILI,hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa.Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama,ngunit ikinagagalak ang katotohanan.Ang pag-ibig ay mapagbata,mapagtiwala,puno ng pag-asa, at NAGTITIYAGA hanggang WAKAS.

Lustestica, Kristyn

         Ano nga ba ang pagmamahal para sa inyo??Ano ba ang unang pumapasok sa isip ninyo pag naririnig ninyo ang salitang pagmamahal?Ako,bilang isang mag-aaral at kabataang tulad ninyo,para saakin ang pagmamahal ay isang mahalagang bagay na kaylangan nating taglayin.
Ang pagmamahal ang siyang nagbibigay saatin ng lakas ng loob at tiwala saating sarili.Bakit??Napatanong ba kayo sa inyong isipan kung bakit ko nasabi ang mga ito?Dahil,kung wala kayong pagmamahal sa inyong pamilya ta sa inyong kapwa walang tutulong sainyo sa mga problemang inyong kinahaharap.Dahil,tanging ang ating pamilya ang nagbibigay saatin ng lakas ng loob upang hindi sumuko sa mga problema.
Maraming ibig sabihin ang pagmamahal,hindi lamang pagmamahal natin para saating pamilya o sa ating kapwa.Bilang isang kabataan,hindi masama ang magmahal sa ating kapwa o tinatawag natin na pakikipagrelasyon sa ating kapwa.Bilang isang kabataan,alam na natin ang tama at mali.Pero,alam naman nating lahat na minsan ang pagmamahal ay nagbibigay ng pasakit saatin diba?Hindi lamang puro saya ang nararamdaman natin pag tayo ay nagmamahal.
Kaylangan din nating masaktan,Ngunit bakit kaylangan pang masaktan?Sinasabi ng iba para daw maranasan kung pano magmahal at para malaman mong nagmamahal kana pala.Pero,diba ang ibang kabataan pag nagmahal at nasaktan parang ayaw na magmahal muli dahil sa kanilang naranasan.Masarap man ang magmahal ngunit mayroon din itong idinudulot na masama saatin.
 

Gravoso, Mary Rose M.



Ako bilang kabataan,Kabataan na nasasadlak sa kahirapan.Dahil sa mga taong nasa paligid mo na puro kurakot  at kaguluhan pati ako na walang kamuang-muang sa mundo ay nadadamay katulad na lamang  sa aking buhay na nawawala na satamang daan dahil sa mga kaguluhan sa aking paligid Dahil din sa gobyerno na ngungurakot sa ating mga pondo imbes na ibigay sa mga taong mahihirap ay kukunin pa nila at ibibili nang mga luho sa kanyang katawan.

Gumban, Riza Mae C.



Isang malugod na pagbati  sa inyong lahat, lalong-lalo na sa ating mga tagapakinig at aking mga kagalang-galang na panauhin. Isang maluwalhating pagpapasalamat sa nagimbeta sa akin sa programang ito upang inyong tagapagsalita. Kung inyo pong mararapatin ay nais ko po sanang ipakilala ang aking sarili,ako po si Riza Mae C. Gumban ang inyong tagapag salita sa pagtitipong ito. Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayton sa inyong harapan,upang mag share ng aking kaunting nalalaman tungkol sa ating mga magulang.Ang ating mga magulang na walang ibang iniisip kundi ang mahalin tayo at mapalaki ng maayos,ukol sa kanilang maayos na pamamaraan.Ngunit ano ang isinusukli natin sa kanila?Sa halip na magpasalamat tayo,,pero hindi,mapagsabihan lamang tayo ay sasagot-sagot pa tayo na para bang kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa ng wala sila,na para bang tama tayo lagi,Hindi tama ito,Mali ito,Kaya aking mga kamag-aral,dapat nating bigyang bigyang halaga o balik tanawin ang mga paghibirap  na naranasan ng ating mga magulang.Dahil ang lahat ng kanilang ginagawa ay para rin sa ating kinabukasan at sa ating hinaharap.

Ponciano, Pink Maybelle R.


Di makausad sa kinabukasan na naghihintay dahil nakabaon ang mga paa natin sa nakaraan di natin mabago ang mga  maling pag-uugali natin na syang dahilan ng ating kahirapan. Ang takot na pumupuno sa puso natin ang dahilan kung bakit di tayo makapagbago, wala na ba tayong pagbabago.Karuwagan ang taling kumakapit sa ating mga bisig bakit di tayo makawala at hindi natin matakasan ang kahirapan, dapat na natin itong putulin pang habang buhay para sa ika-uunlad ng ating bansa.

Ramos, John Milcos







Pag-ibig saan nga ba nagsimula? Masarap ang umibig ngunit mahirap malaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig....

Pag-ibig bang matatawag ang pagkakaroon ng isang minamahal? Makatutulong ba ito upang mawala ang sakit na nararamdaman ng mga bigo sa buhay? Marahil nagtataka kayo kung anong klaseng pag-ibig ang aking tinutukoy...Maraming klase ng pag-ibig, may pag-ibig sa bayan, pag-ibig  sa pamilya, pag-ibig sa kasintahan at pag-ibig sa Diyos... Pag-ibig sa bayan ay ang pagmamalasakit mo sa bayan, pinapakita mo dito kung pano mo igalang ang sarili mong bayan... Pag-ibig sa pamilya ay ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang at kapatid marapat na sila ay mahalin dahil sila ang tumutugon sa lahat ng iyong pangangailangan... Pag-ibig sa kasintahan ay ang pagmamahalan ng dalawang tao, ito ang sinasabing isa sa dahilan kung bakit nagpapakamatay ang iba,... Pag-ibig sa Diyos ay ang paglapit natin sa kanya sa pamamagitan ng pagdadasal, paghingi ng tawad, pagpapasalamat, at paghiling na sana matupad ang kanilang hiling..
Mga kaibigan, iyan ang pag-ibig..  Pag-ibig na kailanman ay hindi mawawala sayo, sa akin at sa bawat tao... Ang pag-ibig ay karaniwan lamang ngunit mahalaga at malaki ang maitutulong upang maging payapa,  hindi lamang sa buhay ng bawat isa kundi pati na rin sa baya..
Kung ikaw ay nagmamahal, laging ilagay sa puso't isipan na ang tunay na pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit.... Yan, yan ang pag-ibig......
Yoon lamang po, at maraming salamat....


Write here, about you and your blog.
 
Copyright 2009 BSOA 1A Collection All rights reserved.
Blogger Templates created by Deluxe Templates
Wordpress Theme by EZwpthemes